![]()
Nakatingin siya sa labas ng bintana
Nagbubuntunghininga sa bawat liko ng manebelaMaingay ang sasakyan, nagkwentuhan kami sa harap
Wala na kaming alam sa buhay ng isa't isa
Habang siya nakupo sa likod
Tahimik
Hindi lumilingon sa kaingayan
Bahagyang nakikitawa
Paminsan minsan ay nakukuha kong sumulyap sa likod
Ano kayang iniisip niya?
Baka pangamba, baka nakaraan, o baka naghihintay lang
Ano nga kaya?
Tahimik!
"Tahimik! Hindi ko kayo maintindihan!"
Hindi niya masabi
"Bakit ba ako nakisabay?"Huminto ang sasakyan
"Nhaihiya ako sa kanya"
"Hindi ko na nga siya masyadong kinakausap"
"Masyado nang madaming nasabi"
"Bawasan ang kondisyon"
"sabi ko na nga hindi maari"
"May iba akong gusto"
"hindi siya"
"Sinabi ko nang lahat para lumayo siya"
"Pero parang umuulit"
"Hindi ko na siya kakausapin pa"
"Dumaplis na ang talim nang aking mga salita"
"Hindi kita maintindihan"
Bumukas ang pinto
Bumaba siya ng kotse
"Ah ok na dito paalam, salamat, ingat"Paulit ulit niyang binabanggit
Mabigat ang pagkasara ng pinto
Nagmamadali siyang lumayo kumakaway
"salamat,paalam, ingat" paulit-ulit
Pinagmasdan ko siya, mabilis na naglalakad
Mataray pa rin siya, nakakunot ang noo
Pilit na ngumingiti pag napansin na nakatingin sa kanya
Naalala ko tuloy sa gabing tulad nito
Inihahatid ko siya sa sakayan
Pagkatapos namin mag-goto sa kanto
Gusto kong bumaba, para kahit papano ay maihatid siya
Gabi na, baka mapaano siya
Pero hindi!
matapang nga pala siyaNasaktan na ako
Mas magaan dalhin ang katahimikan
Mas madali habang paunti unti kitang kinakalimutan
Nakakabingi ang papalayong yabag
Kung madaling di huminga Mas madaling manatili ang buntong hininga Mas maiiwasan ang sinok sinok na kaba Sana habang buhay ay naamoy kita Sana hanggang kaya, ikakalong kita sa aking alaala
No comments:
Post a Comment