Kung madaling di huminga Mas madaling manatili ang buntong hininga Mas maiiwasan ang sinok sinok na kaba Sana habang buhay ay naamoy kita Sana hanggang kaya, ikakalong kita sa aking alaala
Wednesday, March 12, 2008
Bakit ang pait ng tsokolate?
Mapait ang tsokolate. Kahit paborito ko ito minsan nangingiwi na ang aking mukha sa sobrang pait nito. Pag ganito kasi puro ang cocoa at kaunti ang tamis. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito kinakahiligan kahit alam kong sa kakain ko nito ay maari akong mamatay sa sakit sa puso. Pero parang kape, lalong sumasarap ang tsokolate dahil sa mapait na lasa nito. Siguro depende na lang sa tao kung anu ang ihahalo niya sa mainit, nakakapaso, malinamnam, nakkaginhawang tsokolate. Sanay ngiti sa bawat labi ng titikim nito. Kaysa sa pait na kadalasang nararanasan ko.
No comments:
Post a Comment