Pulos mukha ang aking ginuguhit
Pulos mukha ng pagaalala
Beer pa rin ang kaharap
Ang tanging kausap sa magdamag
Ilang ulit ko na ring tinanong dito
Ano ba ang saysay mo sa akin?
Kundi saglit na pagkalimot
kundi mapanglaw na mga mata
Lalong nagpapalabo sa mga tanong
habang hinihigop ng tiyan
ang droga ng mga nagmamahal
Datapwat hindi ito para lang sa isang iniirog
HIndi rin para lang sa sarili
para sa mga nakataas na kamo
para sa mga panindigan
para sa mga pagmamahal
kahit lumalabo na ang gabi
kahit sumusuray suray na sa daan
patuloy pa rin ang pagdagsa ng katanungan
patuloy pa rin ang nakakabagabag na kasagutan
Bakit kaya hindi ko ito matanggap hanggang sa ngayon?
Sa totoo lang
Hindi ko na kailangang magtanong
Hndi ko na kailangang malumbay
Dahil matagal ko nang alam ang kasagutan
Marahil hindi pa mahigpit ang pagkaka yakap ng aking bisig
Malayo pa ang pinapangarap ng aking mga mata
Hindi pa ganoong dumadaly ang kanilang dugo sa aking puso
Hindi ako magsasawang magmahal
Aalalahanin ko ang mga kasagutang sumsabog sa aking pagkatao
Tama nga sila
Hindi paalam ang sinasabi sa pag-alis
kahit katahimikang hatid ng nagliliyab na damdamin
ay sapat nang garantiya ng pagbabalik