Ang huling gabi sa aking Pasumano

Malamig ang gabi. Kakatapos lang ng ulan. Malamig ang hamog na nanatili sa hangin. Inabot ako ng kalungkutan sa pagdampi ng hangin sa aking pisngi. Namuo ang asin sa gilid ng aking mata.

Sabay ng pagtulo nito ay ang pagtaas ng usok sa labas ng aking bintana. Nananatili pa rin ang katahimikan, habang pinipilit kong takpan ng mga paborito kong musika.

A, ito na ang huli kong paghimlay sa aking silid, hindi na ako makakatuntong muli sa aking pasumano. Kung saan tuwing umaga ay nilalagyan ko ng unan at pinapatungan ng kape habang masayang binabati ang bukang liwayway.

Mahaba rin ang pinagsamahan namin. Mula sa madalas na kwentuhan ng aking mga pinakamatalik na kaibigan, dahil tinatamad kaming gumising. Hinihintay naming masikatan ang buong silid ng sinag ng araw bago kami mapilitang tumayo. Uutusan na si Tin na kumuha ng kape at sabay na kaming magkwekwentuhan kung ano ang balak namin sa araw na iyon.

Hanggang sa gabi ng paghimlay kasama ang hindi ko makalimutang panaginip. Iisa lamang ang naitago kong litrato kasama siya. At alam kong hindi na iyon mauulit.

Kasabay ng aking pag-iwan sa pasumano ay ang pagtago sa mga alaalang nanatili pa rin sa aking isipan. Siguro nga masyado akong sentimental. Pero hindi ko maalis ang damdaming ito. Matagal akong makakalimot ng ganitong mga alaala. Mahirap sa akin ang pagbitiw. At dahil doon isang dekada ng mga papel mula sa aking mga guhit hanggang sa mga sulat ang aking kailangan nang sunugin. Hindi na raw kailangan ng kalat sa bago naming lilipatan sabi ng ina ko.

Siguro nga, siguro nga kailangan ko nang makakalimot. Paalam aking pasumano. Mananatili ka sa aking mga ipipinta. At kung sakaling magkaroon ako ng sariling bahay. Katulad ng pasumanong ito ang aking ipapagawa. ##

Text

Kung yaring buhay ko ay silid na munti,
bukodtanging ikaw ang magmamay-ari
alak ng ligaya ang hain palagi,
sa ibang anyaya pinto'y nakasusi

A, walangpagsintang ligtas sa pighati.
Mahahabang gabing ako'y iyong tintakot
ng iyong paglimot,ngunit iya'y
luksang panibugho ng aking pag-irog

~Amado V. Hernandez

Unreqiuted

Unreqiuted


somthing that is un-returned or one sided, most often refering to love. Unrequited love is one of the most dificult things to live with. Loving somone who you know will never love you back because they think your relationship is "platonic"... that really stinks.

"Nothing kills the taste of peanutbutter quite like unrequited love."
~Charlie Brown

hindi man laging ganito...

"it may not always be so…"

ni ee cummings

it may not always be so; and I say
that if your lips,which I have loved, should
touch another’s, and your dear strong fingers clutch
his heart, as mine in time not far away;
if on another’s face your sweet hair lay
in such a silence as I know, or such
great writhing words as, uttering overmuch,
stand helplessly before the spirit at bay;
if this should be, i say if this should be-
you of my heart, send me a little word;
that I may go unto him, and take his hands,
saying, Accept all happiness from me.
Then shall I turn my face, and hear one bird
sing terribly afar in the lost lands.
unlove’s the heavenless hell and homeless home
…lovers alone wear sunlight.

"hindi man laging ganito…"

hindi man laging ganito; at aking sinasabi
na kung ang iyong mga labi,na aking minahal,
sakaling dumampi sa iba,
at buong-loob na sakupin ng iyong mga daliri
ang kanyang puso, tulad ng akin noong kailan lamang;
kung sa ibang mukha lumapag ang iyong masamyong buhok
sa taimtim na katamihikan na batid ko, o
lubhang nakasasakit na mga salita, labis-labis pang binibigkas,
kaawa-awang titindig sa harap ng sinukol na diwa;
kung sakaling ganito, at aking sinasabi
kung sakali ngang ganito-
ikaw ng aking puso, balitaan mo ako;
nang maari akong tumungo sa kanya,
at tanganin ang kanyang mga kamay, nagsasabing,
Tanggapin mo ang lahat ng kaligayahan mula sa akin.
ililingon ko ang aking mukha, at mauulinigan
ang nakakikilabot na iyak ng isang ibon sa malayong kasukalan.
ako’y hindi na iniibig
ang impyernong walang langit at tahanang walang tahanan
…mga magkasintahan lamang ang nanamit ng liwanag ng araw.

[http://ragingrivers.blog.friendster.com/]

Impassoned



" Men are failures not because they are stupid but because they are not sufficiently impassioned."

~ Struthers Burt

"Never doubt that a small group of thoughtful, commited people can change the world; indeed it's the only thing that ever has! "
~ Margaret Meade

Kalayaan? Kalayaan!

Nakakalungkot. Habang ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan. Ako ay nakaupo. Naghihintay. Nangangamba. Naiinggit. Sayang di ako kasama doon. Sayang nandito ako sa isang malamig na sulok ng opisina. Inaantok. Naiinip. Dapat andun ako. Kaya lang ganun talaga.

Natuto na akong magsakripisyo salamat sa karanasan. Ang tanong lang eh, para kanino ba ang aking pagsasakripisyo? Sapat bang ito lamang ang aking maiambag. Hindi pa ganap na handa para sa madugong pagbuwis. Hindi naman ako kailanman siningil? At wala naman akong hinanap na kapalit. Sabi ko nga noon pa man. Hindi lang ito dahil sa kaligayahan. Mas malalim pa. Mas hindi kayang arukin nang inosenteng isipan. Siguro hindi man singilin nang dugo. Buhay ang ating ipapalit. Sana matutuhan ko nang kumawala sa mahigpit na yakap nang aking mga minamahal. At ako masanay na sa pangungulila sa kanila. Kelan kaya darating ang panahon na ang buhay ko ay di na nila aangkinin? kaya ako mismo ay lalaya sa anino nang aking mga magulang. Kelan kaya ako magpapaangkin sa masa?

*siguro pag kaya ko nang mag-absent at magrally na walang halong hiya* Araw nang kalayaan ngayon kailangan ko nang umalis dito.

GUSTO kong UMIYAK

ok na ako.

Alam nilang lahat yun. Nalulungkot ako sa maraming bagay. Pero mas natatakot sa maaring mangyari.Naguguluhan sa nadarama ko para sa kaniya. Pero nais ko nang makawala sa kaniya. Mas gusto ko lang mag-isip.

'ning

nagising ako kagabi, pawis na pawis.
May kumakalampag.. di tumitigil nakakapraning..
palagi na akong nagigising ng takot. Kaba..

Kung patuloy ang takot paano ko mabubuhay ng normal..
Ayokong matakot..
Ang ginagawa ko ay masmalawak.. hindi ito extracurricular, trabaho o pamapalipas ng oras..
Hindi ko alam kung bakit pero wala akong pakialam..

Manhid na siguro.. ayokong patuloy na matakot.

Sugod mga Kapatid

Nagpahula ako ang sabi sa akin

"masyado ka madrama, pero di ka naman talaga nalulingkot. Oo, maaring may nadarama ka para sa kanya pero sa kabuuan hindi ka rin naman ganun ka saya kung sakaling magkarelasyon kayo. hahanapin mo pa rin ang pagiging mag-isa. Hindi kayo magtatagal. May darating naman na isa pa."

Lasing ako.. naglalasing lasingan..
Puwedeng totoo
dapat ko na tigilan..
pero hindi talaga.

Andaming Chaka

Sa bawat sulok ng kahabaan ng lansangan. May nakasilip na mga mata. May umaaligid at nagmamatyag. Bawat kibot ay tinatala. Maraming nagkikimi at di pumapansin. Habang may napupokpok, habang may nadadapa, habang may namamatay. Patuloy silang nakapikit at di nababagabag sa mga nagaganap sa paligid.

"We must take sides. Neutrality helps the oppressor, never the victim. Silence encourages the tormentor, never the tormented. Sometimes we must interfere. When human lives are endangered, when human dignity is in jeopardy, national borders and sensitivities become irrelevant. Wherever men and women are persecuted because of race, religion, or political views, that place must - at that moment - become the center of the universe." -- Elie Wiesel, Nobel Peace Prize winner and Holocaust survivor

Tapos na

Sa haba habang prosisyon sa gawain din ang tapos. Ito siguro ang pinakamahaba at pinakamaraming gawain na panahon. Ang daming nakakapanibago. Napag-alaman ko na wala na pala akong mga kaibigan na sumusporta sa akin. Nasisira na ang berks na pinaghirapan kong ayusin. At malala bumabalik ang nadarama ko sa kaniya.

naalala ko pa habang nakaupo kami sa damuhan ng mga malayo nang kaibigan, "mahirap ba akong mahalin?" pambungad ko sa kanila. Hindi naman nila ako nasagot. Nagkibit balikat at kaniya kaniyang humagikgik. Sa isip ko, siguro nga. Sa lahat ng mga naging karelasyon ko wala pang nagiging maayos. Kadalasan ay ako ang iniiwan. Malungkot man pero ganun nga. Alam ko namang mahal niya din ako sa ibang paraan. alam ko yun. Ang hirap ang ipitin ang aking tunay na nadarama. kung kaya lang na kaibigan na lang lahat. mal ko pa rin siya sigurado ako

Hay Pagod

Masaya akong umuwi
Tapos na naman ang isang araw
Hindi naman nasayang
dahil puno ng masasayang alaala
Hindi ko makaklimutan
pinahid na ang pawis sa noo
Inaayos na ang papag na tutulugan
sinuklay ang buhok
nagsipilyo
naghilamos
pipikit na para tuluyan mahimbing na managinip

:P

sumama ako sa komunidad kanina namiss ko ito. nakakatuwa na ang lalim na ng kanilang samahan. nakakapagtaka lang na tahimik ata sila. ah, siguro pagod. kanina pa sila nagsasalita..

pagtapos ng voter's ed napagalaman ko na kakaunti pala ang nakarating kaya pala nawawalan ng loob ang mga bata. hehehe. nasasabik pa sila masyado sa mga aktibidad na madaling nalulungkot sa kaunting pagbabago. hindi naman kami nakapagusap hanggang sa pag-uwi nanghihina pa rin magsalita ang mga bata. ngumingiti naman si bea kaya ayus na.. kahit nakasimangot silang lahat. ata walang humpay ang paglalambing ng dalawa kong mama. ang lalaki na eh parang bata pa. nakakamiss din pala. nasanay na din kasi ako mag-isa. ganun siguro pagtumatanda. kaya sana magkaayos na :P

ako'y naghihintay

April 05, 2007

The intelligent way to handle conflict today is to focus on the relationship behind it -- not on the problem. Don't approach this difficult conversation in a shortsighted way -- that is, too concerned about making a point or 'winning' the argument. Remember what the person you're talking with means to you. Make maintaining this relationship your first priority, and make sure that when the conflict is resolved, the two of you will be closer than ever. Send this page to a friend.


"Sana tama ako
madami akong nasabing mga payo
ipinagtanggol ang aking nalalaman
nais ko lamang maintindihan nila
nais ko lamang lumago sila ng matatag

Alam kong mali
Sana tama ako"

hawak kamay sa tag-init

final thesis deliberation.. ngayon na siya nagdedefense. sana matapos na.. :) magkikita na kaming muli! sayang at hindi ako nakapunta sa thesis exhibit ng mga kaibigan ko. Hindi ko talaga sinasadya. Mahal ko sila pero sa ngayon wala talagang panahon. Pero masyado akong naapektuhan.

Ang mas inaatupag ko ay ang pag-aayos ng aking buhay. Papeles at sangkaperahan kung meron man. :) ayusin ko itong blog na ito para may ipublish naman ako..

Hawak Kamay sa Tag-init

Ang init ng paligid.
Natutunaw ang magtatangkang sumilip.
Hindi ako lalayo sa sarap ng lilim.
Dahil tumatagaktak ang pawis.
Nahihilo pero kaya pa.

Nais kong mahawakan ang kaniyang
kahit na pasmado ang aking kamay
Na habang natutunaw ang buong paligid
Nag-iinit kami mula sa loob
Lumalagkit hindi lamang ang mga singit
Pati ang aming mga titig

Ang mga malilit niyang daliri na aking
paglalaruan sa aking palad
Pasmado man, hindi ko hahayaang dumulas
Hanggang sa matapos ang tag-init
Hanggat hndi ako nangangawit

Sabay kaming maliligo
magpapalamig
Bibili ng halu-halo
Tatambay sa Mall
magswimming
iinom ng coke na may yelo
tatapat sa electricfan
ilalagay ang ulo sa ref
magwiwiwsik ng tubig sa mukha

o para mas madali bubuksan ang aircon
hay sana mayaman kami
mainit ang tag-init
pero nagliliyab ang aming damdamin
:P

charot lang!


tumangan ka

"tumangan at tumangan ng mahigpit, ang di pagtangan ng mahigpit ay si pagtangan"

Ang saya ng pagtitipon kagabi!
Kahit hindi na ako kabilang ay naliligayahan ako sa mga nagbalik na alaala.

Nakatago sa likod ng bakod ang aming pinagdausan. Sa gitna ng lungsod. Sa gitna ng mga tahanan. sa gitna ng gulo ng mundo. Nakahanap kami ng katahimikan. Sa ilalim ng sinag ng buwan. Namulat ang aming mga mata sa pangarap naming inaasam. Inaalala ang mga nakasamang kaibigan. Na kahit malayo na sa isa't isa hindi pa rin binibitiwan ang mga munting sandali.

"sana iniisp rin nila na hindi namin sila nakakalimutan"

Lalong hmigpit ang aking paninindigan. Lalong umaasa sa masmalayang bukas. Na kahit na alam kong magkakalayo kami, umaasa kami sa muli naming pagkikita.

Marami ng mga bagong mukha. Marami ng di kami nakikilala. Mga bagong kaibigan. Maga bagong makakasama. Mga bagong magpapatuloy sa aming paghangad sa mas malayang buka. :P

Tahimik


###FULLSIZE:http://vfs.reallifelog.com/2007/03/26/b3e293628521e3c89d13ced63768a227.jpg### ###THUMBNAIL:http://vfs.reallifelog.com/2007/03/26/053f78f51383f4180f8c3ccfed8985dd.jpg### ###ID:41583###



Nakatingin siya sa labas ng bintana
Nagbubuntunghininga sa bawat liko ng manebela
Maingay ang sasakyan, nagkwentuhan kami sa harap

Wala na kaming alam sa buhay ng isa't isa

Habang siya nakupo sa likod

Tahimik

Hindi lumilingon sa kaingayan

Bahagyang nakikitawa

Paminsan minsan ay nakukuha kong sumulyap sa likod

Ano kayang iniisip niya?

Baka pangamba, baka nakaraan, o baka naghihintay lang

Ano nga kaya?



Tahimik!







"Tahimik! Hindi ko kayo maintindihan!"

Hindi niya masabi
"Bakit ba ako nakisabay?"
"Nhaihiya ako sa kanya"
"Hindi ko na nga siya masyadong kinakausap"
"Masyado nang madaming nasabi"
"Bawasan ang kondisyon"
"sabi ko na nga hindi maari"
"May iba akong gusto"
"hindi siya"
"Sinabi ko nang lahat para lumayo siya"
"Pero parang umuulit"
"Hindi ko na siya kakausapin pa"
"Dumaplis na ang talim nang aking mga salita"
"Hindi kita maintindihan"

Huminto ang sasakyan

Bumukas ang pinto

Bumaba siya ng kotse

"Ah ok na dito paalam, salamat, ingat"
Paulit ulit niyang binabanggit

Mabigat ang pagkasara ng pinto

Nagmamadali siyang lumayo kumakaway

"salamat,paalam, ingat" paulit-ulit

Pinagmasdan ko siya, mabilis na naglalakad

Mataray pa rin siya, nakakunot ang noo

Pilit na ngumingiti pag napansin na nakatingin sa kanya

Naalala ko tuloy sa gabing tulad nito

Inihahatid ko siya sa sakayan

Pagkatapos namin mag-goto sa kanto


Gusto kong bumaba, para kahit papano ay maihatid siya

Gabi na, baka mapaano siya

Pero hindi!

matapang nga pala siya
Nasaktan na ako

Mas magaan dalhin ang katahimikan

Mas madali habang paunti unti kitang kinakalimutan


Nakakabingi ang papalayong yabag